top of page
Search

#FREEPRIDE 2020

  • Writer: BSP SECRETARIAT
    BSP SECRETARIAT
  • Jun 28, 2020
  • 1 min read

Updated: Jul 2, 2020

Noong ika-26 ng Hunyo, nagsagawa ng mapayapa at maayos na Pride Protest ang mga kasama nating LGBTQ+ community sa harap ng Mendiola sa Maynila, bilang panawagan sa mga hinaing na pagkapantay-pantay ng trato sa lahat at ilan pang mga porma ng panunupil ng gobyerno.


Habang nagdaraos ng protesta, dumating ang pulutong ng kapulisan ng Maynila at marahas na pinaalis ang mga nagproprotesta. Walang habas ding inaresto ang dalawampu nitong miyembro kahit pa wala namang nilabag na patakarang pangkalusugan. Karagdagan pa, iligal din ang pagmamaneho ng iilang pulis sa sasakyang pagmamay-ari ng grupo upang gamitin na pang-aresto at pagdala sa kanila sa istasyon ng mga pulis.


Mariing kinukundena ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas - Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino (PUP - BSP) ang marahas na pagpapaalis at iligal na pag aresto sa dalawampung miyembro ng LGBT+ community na ginagampanan lamang ang kanilang konstitusyunal na karapatan na maglahad ng saloobin at karapatan na makapag asembleya nang mapayapa. Ang Pride Month ay nabuo sa kilos protesta na lumalaban sa diskriminasyon, inhustisya, at karahasan na dulong ng berdugong estado. Huwag nating hahayaan na manumbalik ang opresyon at labanan natin ang mapanupil na pamahalaan.


Ang PUP – BSP ay kaisa ng LGBTQ+ community sa pagtindig sa karahasan at pagpapadaloy ng kaisipang inklusibo, dinamiko, at mapagpalaya sa pagbubuo ng isang Sikolohiyang Pilipino, na siyang magbabalikwas sa tiraniya at diktadurya na siyang salot sa Bayan.





(Ang mga larawang ginamit ay kuha mula sa PhilStar, GMA News, Rappler and The Communicator.)


 
 
 

Recent Posts

See All
Junk Anti-Terrorism Law

OPISYAL NA PAHAYAG NG PUP-BUKLURAN SA SIKOLOHIYANG PILIPINO HINGGIL SA PAGSASABATAS NG ANTI-TERRORISM BILL SA KABILA NG COVID-19 Tuluyan...

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page