
Inventing the Future
- BSP SECRETARIAT
- Mar 29, 2021
- 2 min read
Updated: Apr 4, 2021
Ang pinakahuli at masasabing mas kakaibang palabas ng “Ang SP sa loob ng Indie: Isang Film Showing” ay ang “Inventing the Future” ni Isiah Medina. Binase ang palabas sa aklat nina Nick Srnicek at Alex Williams na pinamagatang “Inventing The Future: Postcapitalism and a World Without Work” kung saan kinakalaban nito ang kasulukuyang sistema ng demokrasya sa pagtatawag ng isang ‘bukas na kinabukasan’ para sa mga mamamayan.
Dagdag pa dito, inilathala nila ang dalawang solusyon na makapagpapatumba sa mahigpit na kapit ng neoliberalismo o ang pagturing sa mga ordinaryong mamamayan bilang mga “consumers” at kompetisyon bilang isang angking pagkatao. Ito ay ang “Universal Basic Income” at ang pagpapaigting sa paggamit ng makina sa industriya na batay sa palabas upang masustentuhan ng lahat ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Mala-sikolohiyal din ang palabas ni Medina dahil inaanyayahan ka nitong magisip para sa iyong sarili at kwestiyunin ang posisyong kinabibilangan mo ngayon at ang magiging kinabukasan nito ukol sa polisiya na meron tayo ngayon. Upang makamit ito, ginamit ang konseptong “montage” kung saan ang mga larawan at bidyo na sumisilbing kaniyang simbolo. Mapapansin din dito ang mga tunog ng iba’t ibang instrumento na pinaghabi-habi upang makabuo ng “discord” na karamdaman sa manonood. Isang mahalaga ding tingnan dito ang mga eksenang nag-uusap ang mga tauhan sa likod ng palabas maging ang mga eksenang nagtatalakayan ang mga aktor na kumakatawan sa mga kaisipan ng palabas.
Sa isang panayam kay Medina, sinabi niyang sa paggawa ng palabas na ito’y hindi niya direktang kinontrol ang pamamatnugot sa palabas at hinayaan ang mga “editors” sa kanilang trabaho. Gayundin sa kaniyang mga aktor at iba pang mga tauhan, binigyan silang kalayaang gumawa ng desisyon kung tama na ba sa kanila ang mga eksenang kanilang isinasagawa kaya't mapapansing may mga iba rito ang hindi perpekto ang pagkakabanggit ng mga linya kung saan hindi karaniwang nakikita sa karamihan ng mga palabas.
Suri mula kay: Jerome Dela Cruz
Comments